0
-->

Arestado ang isang 23-anyos na lalaki sa Balanga, Bataan matapos umanong maaktuhang inaabuso ang kapitbahay niyang dalawang-taong-gulang lang sa loob ng banyo.
Sa ulat ng GMA News TV's "Balita Pilipinas" nitong Martes, sinabing dinala sa ospital ang biktima dahil sa pagdurugo ng maselang bahagi ng katawan.
Mismong ang kapatid umano ng biktima ang nakakita sa lasing na suspek sa ginagawang kahalayan sa bata sa loob ng kanilang banyo.
Nagawa pa raw ng suspek na inuntog sa inidoro ang ulo ng kapatid ng biktima.
Gayunman, nadakip pa rin ang suspek matapos na makahingi kaagad ng tulong ang kapatid ng biktima. -- FRJ, GMA News

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top