0
-->


TILA hindi nakatiis si Senador Leila De Lima sa mga patutsada ni Senador Alan Peter Cayetano kaya’t nag-walkout ito sa kalagitnaan ng privilege speech ng senador kahapon.
Nakasentro kasi ang speech ni Cayetano sa pagbatikos kay De Lima dahil sa aniya’y hindi patas na pagdinig ng hawak nitong komite.
Ito rin ang naging daan ng pagpapatalsik kay De Lima bilang chairman ng committee on justice and human rights.
Aminado naman ang Senadora na nag-walk out nga siya habang nagtatalumpati si Cayetano.
Ayon kay De Lima, sasagutin niya lamang ang mga paratang ni Cayetano sa kanyang gagawing privilege speech ngayong araw.
Samantala, hindi pa tapos ang kalbaryo ni De Lima dahil aarangkada na ngayong araw ang imbestigasyon ng Kamara sa umano'y kaugnayan niya sa operasyon ng droga sa New Bilibid Prison (NBP).
Umaabot sa 30 testigo ang inaasahang lulutang sa Kongreso, kabilang si suspected drug lord Herbert Colangco, para isiwalat ang sinasabing kinalaman ni De Lima sa illegal drug trade sa Bilibid. (DWIZ)

[Source]

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top