0
-->

Nakatakdang magbunyag si Pangulong Rodrigo Duterte ng panibagong mga lokal na opisyal na sangkot umano sa illegal drug trade sa bansa.
Ayon kay presidential legal counsel Salvador Panelo, aabot sa dalawampu’t pitong lokal na opisyal na sangkot umano sa ilegal na droga ang nakatakdang pangalanan ng pangulo, base na rin sa intelligence reports.
Posible aniyang ibunyag ni Duterte ang pangalan ng mga ito ngayong gabi o bukas, araw ng Miyerkules.
Sinabi rin ni Panelo na magugulat ang lahat sa papangalanan ng pangulo na pawang mga opisyal mula sa ilang probinsya at galing sa prominenteng pamilya.
Ang ilan pa aniya sa mga ito ay personal na kakilala ni Duterte ngunit sinabi ng pangulo na isasantabi niya ito at gagawin ang kanyang trabaho.
 Source: Facebook

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this blog post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

Share to Facebook Share to Twitter
Loading...

Post a Comment

 
Top